SENADOR DE LIMA, BUMUHOS ANG EMOSYON! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, June 19, 2017

SENADOR DE LIMA, BUMUHOS ANG EMOSYON!




(Kuha mula sa kanyang Facebook page.)

Naging emosyonal ang pagdiriwang ni Senador Leila De Lima sa Araw ng mga Ama sa kanyang selda sa loob ng Kampo Krame. Ito'y dahil sa kanyang namayapang ama na si dating Commissioner Vicente De Lima ng Commission on Elections.  Sinabi ng matapang na senadora, na kung buhay lamang ang ama niya ngayon ay agad syang ipagtatanggol nito. 

"I became very emotional when I talked about my late father as I delivered my usual reflections during today’s Mass as concelebrated by three priests,” ani De Lima. “Last night, in the solitude of my little room, deep sorrow engulfed me as I realize how much I miss my dear daddy, my longtime mentor and role model, whose examples and admonitions greatly shaped my character. My tears were uncontrollable until my eyes closed for the night,” dagdag ng Senador.

Sinabi din ni De Lima na kung buhay lamang sana ito ay walang pag-aalinlangan ang kanyang ama na ipagtanggol ang kaniyang anak. Ito rin marahil ay maghahanap ng hustisya para sa kanya at ipaglaban ang kanyang kalayaan. 

Si De Lima na isang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nakulong sa kanyang di- umano'y pagkakasangkot sa ilegal na droga nitong buwan ng Pebrero.

No comments:

Post a Comment