Patay
ang isang batang babae matapos matagpuan sa isang palayan, nitong Hwebes sa
kalagitnaan ng bayan ng Bugallon
at San Carlos City sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa pulisya nitong Biyernes.
Kinilala ang biktima sa pangalang Vanessa Amansec, 16 taong gulang, residente ng Antipangol
village. Natagpuang hubad at may natamo na iilang saksak sa kanyang dibdib. Nakita
umano ito ng isang tricycle driver na sana’y mag papastol ng kanyang alagang
baka sa naturang lugar bandang alas 5:57
ng umaga.
Ayon sa mga pulis, si
Amansec ay maaaring biktima ng panggagahasa bago ito pinatay. Huling namataan
ang dalaga sa isang computer shop sa isang village bandang alas 10 ng gabi
nitong Hulyo 19 lamang. Natagpuan naman ang kutsilyo na may maraming dugo sa
bahay ng may ari ng computer shop.
Samantala, ang mga
maaaring ebidensya ay na esumiti na sa police crime laboratory. Inimbitahan na
rin ng pulisya ang may ari ng computer shop at iba pang persons of interest para
sa gagawing imbestigasyon.
Ano mga kabayan? Dahil sa pangyayaring ito, dapat na ba talagang magkaroon ng MARTIAL LAW hindi lang sa Mindanao kundi sa buong Pilipinas? Magkomento tungkol sa usaping ito.
No comments:
Post a Comment