BEAUTY QUEEN GINAHASA AT PINATAY SA SAMAL ISLAND, DAVAO DEL NORTE - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, July 20, 2017

BEAUTY QUEEN GINAHASA AT PINATAY SA SAMAL ISLAND, DAVAO DEL NORTE




Babae natagpuang patay sa Samal Island, Davao Del Norte noong Hulyo 19, 2017. Nakilala ang bangkay na isang beauty queen si Kimberly Autida. Ang biktima ay di-umano'y ginahasa bago pinatay dahilan sa natagpuang nakahubad. Ayon sa impormasyong nakuha ng pulisya, si Kimberly ay nanalo bilang Binibining Igacos at Mutya ng Samal taong 2016.
Nadiskobre ng mga imbestigador ayon sa otopsiya na siya ay nagkaroon ng bugbog maaaring sa matinding pagsuntok sa kalamnan na naging dulot ng internal bleeding. Ang oras ng pagkamatay ay tinatayang 11am at natagpuan bandang 1pm.
Ayon sa GMA news, ang suspek ay nagngangalang Ricardo Sale, 50 taong gulang. Nadiskobre ng pulisya na ang damit ni Ricardo Sale na puno ng putik ay katulad ng putik kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima.
Ang pamilya ng biktima ay naghahanap ng hustisya sa karumaldumal na pagkamatay ng kanilang pinakamamahal na anak.

No comments:

Post a Comment