Naging mainit ang pagtanggap ng pumasok ang ating pambansang kamao na may 11-time world champion title sa Suncorp Stadium kamakailan lang. Umabot sa 50, 000 ka-tao ang nanood sa naturang laban. Naging sentro at paborito si PacMan ng mga manonood habang sinisigaw ng mga tao ang pangalan nito. Gayunpaman, pinangungunahan ni Pacquiao ang huling round ng laro, at naging mas mainit ang palitan ng suntukan ng dalawang kupunan.
Bago paman ang laro ng Pac-Horn ay hinulaan na ng long-term trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach na magiging maikli lamang ang labanan ng dalawa, ngunit si Horn na wala pang naging talo sa kanyang mga naging laban na umabot na sa 17 professional fights- ay mas naging seryoso at tutok sa naturang labanan. Binigyan umano nito ng pressure ang bawat rounds ng laro na humantong sa madaliang paggamot ni Pacman sa loob ng pang 6-7 rounds.
Si Horn ay 29 anyos lamang na dating guro ang tinanghal na bagong WBO Welterweight champion.
No comments:
Post a Comment