JOMA SISON: SI DUTERTE ANG NUMBER 1 NA DRUG ADDICT! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, July 31, 2017

JOMA SISON: SI DUTERTE ANG NUMBER 1 NA DRUG ADDICT!



JOMA SISON: SI DUTERTE ANG NUMBER 1 NA "DRUG ADDICT"!

Muling binanatan ni Jose Maria Sison, dating Professor ni Duterte nuong kolehiyo at tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), si Pangulong Duterte. Tinawag niya ang Pangulo bilang number 1 na drug addict dahil umano sa madalas na paggamit nito ng Fentanyl. Ito ay isang matapang na uri ng opioid na ginagamit ng Pangulo upang maibsan ang kanyang sakit sa spine na natamo niya sa aksidente sa motorsiklo.

Basahin: Richard Parojinog, humihingi ng hustisya sa pagkamatay ng ilang kamag-anak dahil sa drug raids!



Aniya, bilang number 1 na drug addict, siya dapat ang pinaka-angkop na target “most fitting target” ng Philipine National Police (PNP) sa kanyang marahas na paglaban sa ipinagbabawal na gamot.


Tinawag rin niya na duwag ang Pangulo dahil sa pagpapatay nito sa mga mahihirap na drug users at pushers, habang binawi ang pagturo niya sa negosyanteng si Peter Lim bilang drug lord.


Dagdag pa niya, wala na rin sa tamang pag-iisip ang Pangulo matapos niyang atasan ang mga puwersa ng gobyerno na ubusin na ang mga New People’s Army (NPA).
Ani pa Sison, hindi makakaya ni Duterte na pulbusin ang rebolusyunaryong kilusan na malalim na ang ugat sa loob lamang ng kanyang nalalabing limang taon sa administrasyon.


No comments:

Post a Comment