Tinangkang bisitahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang
Marawi City nitong araw, ngunit naunsyami ito dahil sa masamang panahon. Sa
pagkakataong ito ay suot ng Pangulo ang uniporme ng militar.
Sa isang post sa twitter account ni Presidential
Communications Operations Office Asst. Sec. Mocha Uson ay sinabi nito ang mga
kuha ng litrato ng Pangulo ay mula sa pagbisita nito sa 2nd Mechanized Infantry
(Magbalantay) Brigade sa Ilagan City, na may isang oras ang layo mula sa Marawi
City.
Ani Uson, planado na ng Pangulo ang pagpunta nito sa
Marawi City kung saan ang tropa ng gobyerno ay patuloy na nakikipagbakbakan sa
grupo ng Maute-ISIS ngunit dahil sa masamang panahon ay naudlot ang pagbisita
nito.
No comments:
Post a Comment