Pinalo ng isang babae at ng
kanyang ina ang anak ng kasintahan nitong 3 taong gulang pa lamang na batang lalaki.
Gamit nito ang isang plastic rod at pagkatapos ay ibinulid ito sa isang silid
dahil ito ay umiinom ng gatas mula sa isang pitsel ayon sa mga otoridad ng
Orlando, Florida nitong Lunes. Namatay rin kalaunan ang bata dahil sa mga
natamo nito mula sa ginawa ng mag-ina.
Ayon sa arrest of affidavit
na mula sa Office of
Orange County Sheriff, ang mga suspek na sina Lakesha Lewis, 28,
at ang ina nitong si Callene Barton, 58 ay kakasuhan ng first-degree murder sa
salang pagpatay kay Xavier Mokarzel- Satchel. Ito ay walang pyansa.
Si Lewis ang
kasintahan ng ina ni Xavier, na si Brandi Mokarzel. Ang tatlo ay nanirahan
kasama si Barton at isa sa mga apo ni Barton sa isang Orlando apartment, ayon
sa ulat ng pag-aresto.
Nagising si Brandi Mokarzel sa ingay na narinig nito
habang sumisigaw si Barton sa bata. Sinabi ng mga imbestigador na hinawakan ni
Lewis ang isang plastik na pamalo at paulit-ulit na sinasaktan si Xavier
hanggang sa nasira ang baras. Sinabi nila na hinawakan ni Barton ang bata at
inihagis pa ito dahilan ng pagkamatay ng bata.
Gayunpaman, isinugud si Xavier sa ospital ngunit makalipas ang apat na oras ay idineklara din itong patay na.
No comments:
Post a Comment