TRILLANES, SINAMPAHAN SI DUTERTE NG KASONG "PLUNDER"! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Wednesday, July 12, 2017

TRILLANES, SINAMPAHAN SI DUTERTE NG KASONG "PLUNDER"!



Sinabi ni Sen. Antonio "Sonny" Trillanes IV na inamin mismo ni  Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagnanakaw ng pera ng gobyerno kung kayat dapat lamang na mapabilis aniya ang kasong plunder na isinampa nito.



Nagpadala sa media ang kampo ni Trillanes ng isang sipi ng pahayag ni Duterte noong Martes bago ang Philippine Chinese Charitable Association noong Hunyo kung saan inamin ng Pangulo ang kanyang ginagawang katiwalian.



Sa pahayag ng Pangulo, sinabi nitong “I hate corruption. Hindi ako nagmamalinis. Marami rin akong nanakaw pero naubos na, so wala na." (I don’t pretend to be clean. I have also stolen a lot but I’ve already spent it all, so it’s all gone).

Ayon sa Senador, ang pahayag na ito ay isang sapat na patunay sa ginagawang katiwalian ng Pangulo

Agad namang dinipensahan ng Malacañang ang pahayag na ito ng Senador, aniya, ang Pangulo ay nagbibiro lamang ng banggitin ang kanyang sarili bilang isang dating corrupt na opisyal.


No comments:

Post a Comment