DUTERTE, INAMING HINDI SAPAT ANG ANIM NA BUWAN UPANG SUGPUIN ANG ILIGAL NA DROGA! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Friday, August 18, 2017

DUTERTE, INAMING HINDI SAPAT ANG ANIM NA BUWAN UPANG SUGPUIN ANG ILIGAL NA DROGA!




Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes na nagkamali siya sa pagpapalagay na maaalis at mapupuksa niya ang iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, pangakong nagpanalo sakanya sa pagkapangulo noong 2016. 


(c)


Aniya, “How can I control it in three to six months, the generals and policemen are involved. The Bureau of Customs, an agency I am relying on, son of a bitch is into drugs. How will I succeed?” -sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Ozamiz City Police Station.



“Alam ko na nagkamali ako. Nagkamali talaga ako. Hindi ko naman talaga akalain, yang Bureau of Customs na yan, akala ko kaalyado ko," dagdag ng Pangulo.


Ang matagal na Mayor ng Davao City na nanumpa na pupuksain ang narcotics sa loob ng anim na buwan ay nakakuha ng mahigit 16 milyong boto at nagawang talunin ang mga mapeperang mga karibal at masasabing tanyag sa bansa. 



Noong Setyembre 2016, humingi Si Duterte ng ekstensyon ng anim na buwan sa kanyang pagpuksa kontra droga, ngunit nagulat na lamang ang Pangulo sa tindi na ng prolema. Aniya, ang mapanganib na bawal na gamot na kinakaharap ng ating bansa ay hindi madaling malutas sa loob lamang ng anim na buwan kung kaya't ipagpapatuloy niya ito hanggang matapos ang anim na taon na kanyang termino sa pagkapangulo.


“I said my critics were right. You said, when you become the president, you can do it in three to six months. I was not aware of the problem when I assumed office. Davao was just my template. There were drugs there but if you bring drugs there, you will die," sabi ng Pangulo.




No comments:

Post a Comment