Father Arnel Lagarejos ng Taytay, arestado matapos ipareserba
ang isang 13 taong gulang na batang babae sa Motel!
Si Msgr. Arnel Lagarejos,
55 taong gulang, parish priest ng Parish of St. John the Baptist sa Taytay,
Rizal ay naaresto matapos ipareserba ang isang 13 taong gulang na babae sa
isang Motel para makipagsex dito.
Sa pahayag ng mga opisyal ng barangay
at ng biktima, sinabi ni Roger Quesada, Hepe ng Marikina City Police Station na
ang pari ay ipinareserba ang 13 taong gulang na babae ng dalawang beses bago ito
nagtungo sa Motel sa Sumulong Highway gamit ang grey sport utility na sasakyan
nang harangan ito ng koponan ng pulis kasama ng mga miyembro ng Department of
Social Welfare and Development.
Sinabi ni Quesada na nakita nito si
Lagarejos na binigyan ng P500 ang isang 16 taong gulang na bugaw sa loob mismo
ng kanyang sasakyan pagtapos ay bumaba at iniwang nag-iisa ang batang babae sa sasakyan
kasama ang pari.
Si Msgr. Arnel Lagarejos na nasa
ilalim ng Diocese of Antipolo ay inalis ang lahat ng kanyang tungkulin sa
parokya kasama na ang pagkapangulo sa Cainta Catholic College (CCC).
Ang nasabing pag-aresto
ay batay mismo sa reklamo ng ina ng biktima na nakabasa ng kanilang
conversation sa Messenger ayon sa pulisya.
Samantala, nailabas na
nuong Martes ng hapon ang pari sa pagbabayad ng piyansang nagkakahalaga ng
P120,000 ayon kay Chief Supt. Romulo Sapitula, direktor ng Eastern Police
District.
No comments:
Post a Comment