MISTER,KINAGAT ANG ILONG NI MISIS HANGGANG SA MATANGGAL ITO!!! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Tuesday, August 22, 2017

MISTER,KINAGAT ANG ILONG NI MISIS HANGGANG SA MATANGGAL ITO!!!

Kinagat ang ilong ng isang ginang ng kanyang mister hanggang sa matanggal ito. Kinilala ang biktima na si Mrs. Yang na mula sa China. Binugbog pa umano ito ng kanyang asawa bago ito kinagat ang ilong niya.

Napag alamang  tumatawag ang mister ni Yang sa kanya ngunit hindi nito nasagot ang tawag dahil on duty ito bilang mananahi at nasa grave yard shift pa. Hindi nabantayan ng ginang ang tawag ng asawa kung kaya't pinuntahan na lamang sya ng kanyang asawa.

Sa halip na tanungin o kausapin ng maayos ang ginang ay pinagtutulak pa ito sa pader, binugbog at saka ito kinagat sa ilong hanggang sa matanggal ito.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital ang ginang matapos dumugo ang ilong nito. Sinabi ng doktor na hindi na kayang isagawa ang reconstructive surgery dahil halos wala ng natira sa ilong nito. Kaunting balat at kalahating cartilage na lang ang natira dito.

 Agad namang tumawag ng pulis ang mga kasama ni Yang ngunit nakatakas na ang kanyang mister. Pinaghahanap ng mga pulis ang ilong niYang ngunit hindi na ito mahanap. Pinagdududahan naman ng otoridad na nasa mister ito ng ginang. 

Sa isang panayam, kinuwento ni Ginang Yang ang biglang pagbabago ng ugali ng kanyang asawa mula ng pinanganak ang kanilang anak na babae. Tila hindi ito tanggap ng kanyang mister kaya sinabi nitong e benta nalang ang anak at gumawa ulit ng iba at dapat ay lalaki. 

Maraahil sa one child policy ng China, kaya ganoon na lamang ang asal ng kanyang mister. Dahil sa takot ni Yang na baka patayin nito ang anak nila ay agad nitong pinadala sa probinsya ng kanyang mga magulang ang bata.

Sa kasalukuyan ay pinaghahanap parin ng mga otoridad ang asawa ni Mrs. Yang samantalang si Mrs. Yang ay nagpapagaling.






No comments:

Post a Comment