BAM AQUINO, PAMBATO NG LIBERAL PARTY SA DARATING NA HALALAN! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Wednesday, September 13, 2017

BAM AQUINO, PAMBATO NG LIBERAL PARTY SA DARATING NA HALALAN!





Isang pangalan pa lamang ang sigurado sa ngayon sa senatorial slate ng Liberal Party para sa halalan sa taong 2019. Ito ay si reelectionist Senator Paolo Benigno Aquino IV.

Basahin: 

TRILLANES, TATAKBONG BISE-PRESIDENTE SA DARATING NA HALALAN!



"Well, we will field candidates for senators and up to local level and we will present a slate to the people for them to judge us and in effect, renew the mandate of the Liberal Party," ayon kay Drilon sa isang interbyu sa Rappler Talk noong Biyernes, Setyembre 1.

Nang tanungin ang mga pangalan, sinabi ni Drilon na hindi pa sila nakapasya kung sino ang mga kasama sa lineup. Sa ngayon, isang pangalan pa lamang ang sigurado. Ito ay si reelectionist Senator Paolo Benigno Aquino IV.




Ayon kay Ifugao Representative Teddy Baguilat, Vice President ng LP para sa internal affairs ay nagsabing isa pa sa posibleng kandidato ay ang dating Quezon Representative na si Erin Tañada, ngunit hindi pa ito sigurado.

"Too early to say, it's too early to say, one day is too long in politics," dagdag ni Drilon.

Ang dating naghaharing partido, ang LP, ngayon ay halos nawala na lahat ng mga miyembro dahil sa PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsimula nang mag-organisa ng kampanya para sa 2019 at mass oath taking ng mga pulitiko sa buong bansa.

Samantala, nananatili paring bakante ang mga posisyon at titignan pa ng LP kung makukumpleto pa ang isang dosenang miyembro sa slate.

"Lean team ang balak (ang plano). Siguro 4-5. Makikita natin kung sino ang may pagkakataon pa. Ngunit depende ito sa pagtatayo ng isang network ng mga miyembro ng partido na nakatalaga mula sa iba't ibang sektor at kanilang pinagmulan na magsisilbing haligi ng aming mga aktibidad , " ito ang sinabi ni Baguilat sa Rappler.



No comments:

Post a Comment