Patay ang isang binatilyo ng matagpuan sa isang lugar sa Bulacan, matapos itong pinaghihinalaang nawawala.
Ika-13 ng Setyembre nang matagpuan ang isang naagnas na bangkay
na pinaghihinalaang si Michael Angelo Remecio sa isang sapa sa San Jose Del Monte, Bulacan na nakalagay sa
sako at nakatali ang mga kamay.
Ayon sa mga magulang ng binatilyo, di na ito nakabalik simula noong ika-26 ng
agosto. Nakapag mensahe pa ang binatilyo noong ika-10 ng setyembre through
social media sa kanyang kaibigan na nagpapasundo sa isang Salon na tila humihingi
ito ng tulong. Nang puntahan ito ng mga kaibigan ni Michael, humarap sa kanila
ang may ari ng salon ngunit itinangging naroon ang hinahanap na binatilyo, ang
napansin naman ng mga kaibigan ni
Michael na hindi raw mapakali at nagmamadali pa daw umalis
ang may ari ng Salon.
Ang hinala naman ng Magulang ni Michael, maaring
may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang anak ang amo nito sa Bulacan, na
kinumpirma ng kaibigan ni Michael na Konektado sa droga ang amo nito.
Hustisya ang hinaing ng mga magulang ni Michael Angelo Remecio, na managot at pagbayaran ng habang buhay ng mga pumatay sa binata. Sa ngayon, ay patuloy parin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso ni Michael.


No comments:
Post a Comment