Nagbarilan ang dalawang pulis sa Mabini St., Brgy. 12, Caloocan dahil lang umano sa toothpick nitong Sabado.
SOURCE: Estela Callao
Ayon sa nakakita, nagsimula ang barilan matapos makipagtalo si PO2 John Paul dela Fuente, isang pulis Maynila, kay Danny Sta. Maria na kumakain rin sa parehong canteen.
Kumuha umano si Danny ng toothpick sa mesa ni John Paul kung kaya't nabastusan ito. Agad ding humingi ng pasensiya si Danny ngunit sinigawan parin ito ng pulis. Dito na raw nagalit ang pulis kung kaya't sinuntok niya si Danny na gumanti rin ng sapak.
Naawat ng mga tao ang dalawa at saka sila pinag-usap.
Matapos mag-usap ay umalis na si Danny at pagbalik ay kasama na niya si SPO1 Rommel Baustista, isang pulis Caloocan, na nakasibilyan sa mga oras na yaon.
Batay sa mga saksi sa naturang lugar, si Bautista umano ang unang bumaril kung kaya't gumanti na rin si dela Fuente at nakipagpalitan na rin ng putok.
Nagtamo ng sugat sa hita si Bautista at agad rin itong isinugod sa pinakamalapit na hospital at ngayo'y nasa maayos nang kalagayan.
Samantala, ayon sa Scene of the Crime Cooperatives (SOCO) na nag-imbestiga sa crime scene, umabot sa tatlumpu't tatlo (13) ang basyo ng balang narekober sa pinangyarihan.

No comments:
Post a Comment