Magsisimula na ngayong araw, linggo, Oktubre 1 ang "Election Period" bilang paghahanda sa paparating na eleksiyon sa pang-brgy. at Sangguniang Kabataan o SK.
Sa kabila ng pagpapaliban ng Kongreso sa nasabing eleksyon na gaganapin sana sa ika-23 ng Oktubre, hihintayin muna aniya ng Comelec na mapirmahan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas bago tuluyang itigil ang isasagawang preparasyon.
Ayon sa Commission on Elections o COMELEC, nakatakda ang filing of candidacy sa Oktubre 5 hanggang 11 habang sa Oktubre 12 hanggang 21 naman ang campaign period.
Samantala, maaaring bisitahin lamang ang website ng Comelec para malaman ang mga ipinagbabawal sa electiod period.
No comments:
Post a Comment