Muling pinatawa ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang mga taga-suporta nitong biyernes matapos ibahagi ang kanyang reaksiyon ng malamang nasa parehong hotel sila ni Senador Antonio Trillanes IV, ang kritiko ng kanyang ama.
Hindi sinabi ni Sara ang pangalan ng Hotel kung saan halos magkasalubong na silang dalawa ngunit ipinakita niya ang isang text message kung saan ang isang tauhan ng hotel ay nag-text sakanya na naroroon rin si Trillanes na nag-akusa sa kanyang kapatid na si Vice Mayor Pulong Duterte bilang isang miyembro ng drug triad.
Mukhang nilibang ni Mayor Sara Duterte ang sarili sa katotohanang siya ay nasa parehong gusali ng kanilang pinakamalakas na kritiko.
Via ltrendingnews
Sa post ni Inday Sara na may caption na "That Thing Called Tadhana", marami sa kanyang mga tagasunod ang natawa sa kanyang post ngunit binalaan din nila ang Mayor ng Davao dahil baka mali at iba ang ipakahulugan ng media sa kanyang post.
Ang ilan naman ay namangha sa kanyang katapangan sapagka't hindi siya natakot kahit nasa parehong gusali sila ng kanilang pinakamatinding kritiko.


No comments:
Post a Comment