Patay ang dalawang magkapatid na sina Kenneth, 23-anyos at Karren, 26-anyos matapos barilin ng kanilang sariling Ama sa kanilang bahay huwebes ng hapon sa Purok #2, Brgy. Poblacion, Compostela Valley.
Kinilala ang suspek na si Romy Honrado.
Ayon sa kapitbahay na si Bebe Forro, nakarinig umano siya ng anim na putok ng baril at sigawan kung kaya't agad itong sumaklolo.
Ayon sa imbestigasiyon ng pulisya, away pamilya umano ang naging ugat kung bakit binaril ng suspek ang dalawang anak.
"Family problem talaga 'to. Unang-una hiwalay ang suspek sa asawa, ang mga anak niya may ka-live in partner. Tig-isa ang anak, depressed ang suspek,"ayon kay Police Insp. Danielo Jacosalem.
Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mag-anak sa nangyari.
No comments:
Post a Comment