Tinawag ni Ormoc City Mayor Richard Gomez si Senador Antonio Trillanes IV na "sundalong kanin" matapos nitong akusahan si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na ang kanyang tattoo ay nag-uugnay sakanya sa Chinese drug syndicate.
Sa post ni Gomez ng kanyang tattoo sa Facebook , may apat na aktibidad sa sports ang nakasulat sa kanyang katawan. Ito ay bilang pabulaanan ang mga paratang ni Trillanes sa triad.
“Eh paano, Triad na ako ngayon?! Ungas!!!” sabi ng aktor sa kanyang social media page.
“Yung may dragon naman kasi may secret code daw sabi ni sundalong kanin,” dagdag pa niya.
No comments:
Post a Comment