Binati ni Pangulong Duterte ang lahat ng maagang pasko higit sa mga durugista. Ngunit sa video na ito ay pinaalam ng Pangulo na marahil ito na ang huling pasko ng mga durugista lalo na sa mga hindi pa sumuko at nagbagong buhay.
Sa kabila ng pagiging busy ni tatay Digong ay nakuha parin nitong batiin ng maligayang pasko ang mga durugista. Ito na rin ay upang paigtingin ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga. Kabilaan din ngayon ang naging isyu tungkol sa kampanya laban sa pinagbabawal na droga.
Isa na rito ang kasalukuyang pinagtuunan ng pansin ng senado ang kaso ng drug shipment sa Bureau of Customs. Sa isyu ay idinawit ang panganay na anak ng Pangulo na si Vice Mayor Paolo Duterte at ang son in-law nitong si Manz Carpio na asawa naman ng kanyang pangalawang anak at Mayor ng Davao City si mayor Inday Sara Duterte. Ipinahayag naman ni VM Duterte at bayaw nitong si Atty. Carpio na handa silang harapin ang mga alegasyon sa kanila.
Panoorin ang video.
No comments:
Post a Comment