Patay ang isang pusang naglalakad matapos pagpapaluin ng kahoy ng mga magbabarkadang lalaking nakatambay sa Brgy. 66 Zone 8 Pasay City mag-aalas-dos ng madaling araw nitong Martes.
Nakunan sa CCTV camera kung paano pinalo ni alyas "Toto Tenorio" ang kamuwang muwang na pusa hanggang sa ito'y mamatay.
Agad namang inaksyonan ng mga opisyales ng barangay ang nangyari. Ayon kay Lennon Tawat, Brgy. Chairman ng naturang lugar, hindi lang daw umano isang beses niya itong ginawa kung kaya't tuluyan na itong sasampahan ng kaso.
Posibleng makulong ng anim na taon at magmulta ng hanggang isang milyong piso ang binatilyo dahilan sa ginawa niyang pagpatay sa pusa, dagdag pa niya.
Samantala, naponood naman ng magulang ng suspek ang CCTV at nakiusap pa itong huwag ikulong ang anak.
No comments:
Post a Comment