LOOK! BAGONG TELECOMMUNICATION COMPANY! PLANONG PAPAPASUKIN NG PANGULO SA BANSA PARA SA ISANG MABILIS AT MAS MAGANDANG INTERNET CONNECTION AT SIGNAL! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, October 30, 2017

LOOK! BAGONG TELECOMMUNICATION COMPANY! PLANONG PAPAPASUKIN NG PANGULO SA BANSA PARA SA ISANG MABILIS AT MAS MAGANDANG INTERNET CONNECTION AT SIGNAL!





Napagdesisyunan ng Pangulong Rodrigo Duterte na magpapasok ng bagong ng bagong telecommunications provider para sa isang mas maganda at mas mabilis na serbisyo ng signal at internet connection sa Pilipinas.
Sinabi ng Presidential Spokesman na si Harry Roque na alam ng Pangulo ang palpak na serbisyo ng telecommunications company kaya naisip ng Pangulo na kailangang may magbigay ng mas mabilis at mas magandang internet connection sa mga Pilipino.

Si Roque ang mismong nagkuwento ng kanyang karanasan tungkol sa kapalpakan ng kanyang service provider kaya mahirap makapasok ang signal at kung masagot man daw ay hindi magkaintindihan o magkarinigan sa telepono.

"Alam nyo ho gusto ko sanang tanggapin ang lahat ng calls ng media kaya lang po palpak po ang ating telecoms company,'
Pag nasa bahay po ako talagang suwerte-suwertehan kung makpasok ang tawag."
saad ni Roque.

"Mabuti na lang ang ating Presidente ay magpapapasok ng pangatlong telecoms provider para hindi na ganito ang buhay sa telepono." dagdag pa niya.

Hindi pa ibinunyag ng kalihim ang pangalan ng Kompanya na planong papapasukin sa bansa na magsisilbing pangatlong telecom provider sa mga Pinoy.

Matatandaan na nung nakalipas na linggo ay binisita si Pangulong Duterte ng isang Chinese Business magnate na si Jack Ma na ang negosyo ay kaugnay sa Telecommunications at sinabing mabagal daw ang internet na nasa bansa.





No comments:

Post a Comment