Kilalanin si Tsianina
Levounne Amberly Reese Heather Margaret Barcelona Mendoza ang babaeng may
napakahabang pangalan.
Trending ngayon sa social
media ang Senior High School student na ito ng University of Mindanao matapos
i-post ng isang guro ang kanyang school ID na nagpapatunay na siya ang may
pinakamahabang pangalan sa kanilang paaralan.
Sa katunayan, umabot na sa
mahigit 1,000 shares ang trending post na ito.
Laking Don Carlos, Bukidnon
si Tsianina at nag-aaral ngayon sa Davao City.
Siya ang nag-iisang anak ng
mag-asawang sina Rey Anthony Mendoza at Dzejla Austin Claire Mendoza.
Ayon naman kay Tsianina, ang ina niya ang nagbigay ng
kanyang pangalan sa kanya at ito daw ay may mga kahulugan. Ang Tsianina hango
sa paboritong Hollywood Actress ng kanyang ina, ang Margaret hango sa pangalan
ng isang Royal Princess, ang Reese mula sa paboritong chocolate ng kanyang ina
at ang Levounne Amberly at Heather kinuha sa mga pangalan mula sa napanood na
pelikula ng kanyang ina.
Noong maliit pa daw si
Tsianina, aminado itong hirap siya sa pagsulat dahil sa haba ng kanyang
pangalan kaya tuwing mayroon silang pagsusulit, ang huling pangalan niya na
Margaret lang ang kanyang isinusulat.
Pero noong nasa high school
na siya, ang Tsianina naman ang kanyang ginamit.
Ayon sa kanya, nasanay na
rin sya sa kanyang pangalan at hindi niya inakalang ito pa ang magdadala sa
kaniya sa kasikatan.
No comments:
Post a Comment