Usap-usapan parin ngayon ang pagsilang ng ahas ng isang 37 taong gulang na ginang sa isang bayan sa South Cotabato.
Ayon sa kwento ng ginang, una siyang nakaranas ng pagsusuka hanggang sa lumala ang kondisyon nito, nangayayat at halos hindi na makakain dahil sa sobrang sakit na nararamdaman sa kanyang tiyan.
Maging ang asawa nito na nagtatrabaho sa Maynila ay nagduda na buntis ang kanyang asawa dahil huli siyang umuwi noong Enero 5, at nasa kondisyong buntis na umano ang kanyang asawa.
Maging ang asawa nito na nagtatrabaho sa Maynila ay nagduda na buntis ang kanyang asawa dahil huli siyang umuwi noong Enero 5, at nasa kondisyong buntis na umano ang kanyang asawa.
Hindi alam ng mga magulang ng Ginang kung saan sila lalapit sa kondisyon ng kanilang anak. Tatlong ospital na raw umano ang napuntahan ng Ginang at nakumpirmang buntis nga ito. Nag-pregnancy test din umano ang ginang at isinailalim sa ultrasound ngunit hindi makumpirma ng doktor na bata ang nasa sinapupunan dahil pahaba ito. Kaya’t pumunta na sa albularyo ang mga magulang ng Ginang.
Pitong albularyo na ang nilapitan nila at ang panghuli ang siyang nagsabing kaya niyang palabasin ang nasa tiyan nito. Halos isang buwan din na nasa albularyo ang Ginang at sa tulong ng isang manghihilot ay napaanak ito. Pinilit niyang umere kahit masakit at laking gulat ng manghihilot at mga magulang ng ginang ng makitang ahas ang lumabas sa tiyan nito. Umabot sa 2 talampakan ang haba ng ahas na may mga ngipin na parang “piranha”. Buhay pa ito ng lumabas sa sinapupunan ng ginang.
Ang ina mismo ng ginang ang pumatay sa ahas sa pamamagitan ng pagtusok ng pinatalim na “bagakay” at sinunog ito. Sa ngayon, nagpapagaling na ang ginang at humiling na hindi ipaalam sa publiko ang pangalan nito. Minabuti ng Bombo Radyo na itago ang identity ng biktima at pamilya nito dahil sa kahilingan nila sa Bombo News Team.
Nagpapasalamat naman sila sa Maykapal dahil ligtas na ito sa ngayon.
Source: infoinquirer
No comments:
Post a Comment