Sinabi ni Sen. Leila De Lima na ang plano ni Duterte na ibalik ang pamumuno sa war on drugs sa Philippine National Police (PNP) mula sa Presidential Drug Enforcement Agency (PDEA) ay isang malaking pagkakamali.
Bilang isang kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao, sinabi ni De Lima na sa halip na tumuon kung sino ang mangunguna sa giyera ng gobyerno laban sa droga, maari naman daw sanang gumawa ng isang mas mahusay na paraan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang malinaw na direktiba upang mahinto ang mga pagpatay.
“The President will never solve the problem on the proliferation of illegal drugs as long as his administration’s approach of killing suspected drug suspects remains the same. He can tap the PNP officials to lead his campaign again, or even ask them to combine forces with the PDEA, and the drug issue will remain unsolved,” pahayag niya.
‘’By promoting and tolerating the killings of suspected offenders without them having their day in court, the administration is only trying to ‘solve’ a crime by committing another crime,” dagadag pa niya.
Dati nang inilipat ni Duterte ang papel na ginagampanan sa pagpatay sa mga iligal na droga sa PDEA kasunod ng pampublikong pang-aalipusta sa kontrobersiyal na kamatayan ng 17-anyos na estudyante na si Kian Loyd de los Santos at 19-anyos na si Carl Arnaiz sa mga kamay ng mga pulis ng Caloocan noong Agosto.
Sa isang memorandum na nilagdaan noong Oktubre 10, sinabi ni Duterte sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas na ang PDEA na ang kikilos bilang tanging ahensya na maaring magsagawa ng kampanya at operasyon laban sa iligal na droga.
Sinabi ni De Lima na dapat magkaroon ng isa pang paraan sa paglutas ng problema sa bawal na gamot sa bansa, na hindi magtataguyod ng karahasan at hindi makakasira sa reputasyon ng PNP bilang isang institusyon.
“We do not want another Kian de los Santos or Carl Arnaiz headlining the news. We do not want another story of police officers abusing their power. We do not want more killings and human rights abuses in our country. We want the killings to end now,” dagdag pa ng senadora.
No comments:
Post a Comment