Nikka Garcia, ipinahayag ang labis na pagsuporta kay Pangulong Duterte! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, November 16, 2017

Nikka Garcia, ipinahayag ang labis na pagsuporta kay Pangulong Duterte!


Sa gitna ng mga isyung kinasasangkutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay marami parin ang nananatiling sumusuporta rito. Isa rito si Nikka Garcia, asawa ng aktor na si Patrick Garcia.



Sa simula ng kanyang pahayag sinabi nitong, “Our President will never be a people pleaser. He is definitely one of a kind. He can go from one extreme to the other.”

Patuloy ang pagiging kontrobersiyal ng Pangulo dahil sa kanyang mga pahayag sa publiko.

Pinakahuli na nga rito ang paghahambing ng kanyang sarili sa German dictator na si Adolf Hitler kung saan sinabi niyang magiging ala-Hitler siya sa mga taong sangkot sa ipinagbabawal na gamot sa Pilipinas.

Naisulat ang istoryang ito sa international press kung saan napukaw ang atensiyon ng Jewish community na biktima ni Hitler noong World War II at hindi nila ito nagustuhan.

Humingi naman ng paumanhin si ang Pangulo sa Jewish community dahil sa kanyang pahayag at nagpaliwanag na ang paghahambing niya sa sarili sa German dictator ay sinimulan ng kanyang mga kritiko.

Pahayag pa ni Nikka tugkol kay Duterte, “And if you have not fully embraced who he is — warts and all — you will go crazy with the myriad of emotions he can elicit from you.

One day you are proud, next day, you are embarrassed, apologetic.

“But if you allow yourself just a few minutes to read him thru his eyes and heart, you will see who he really is.

“A true leader who has vision and courage!’

Patuloy rin daw niyang ipagdarasal ang Pangulo, “because it will require as much courage and love to stay the course with him!

“I always believe that one should always Decide Once! And manage daily.

“A long time ago I decided he would be my president. Enufsaid [sic].”

Source

No comments:

Post a Comment