Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagsimula na mag-isyu ng iDOLE (o OFW ID card), na magagamit ng mga OFW (mga overseas Filipino workers) para sa kanilang mga transaksyon sa mga gobyerno at pribadong ahensya kaugnay sa kanilang trabaho sa ibang bansa. Gayunpaman, tinanong ni Vice President Leni Robredo kung bakit may larawan si Pangulong Rodrigo Duterte.
“Agree naman ako sa concerns ng ating mga netizens. Kung tititigan mo nga naming mabuti yung ID, mas malaki pa yung picture ng pangulo sa picture nung may-ari ng ID. Tapos, colored pa yung pangulo, pero black and white naman yung sa may-ari. Parang di naman tama yun, di ba?.” pahayag ni Vice President Leni Robredo sa mga reporters.
“Akala ko ba, galit siya sa Epal? Naalala ko, pinatanggal nya yung portrait ng mga opisyal ng gobyerno sa mga opisina at pinapalitan niya ng mga portrait ng ating mga bayani.”, dagdag pa niya na tumutukoy sa memo ni Pangulong Duterte noong Setyembre 15, na nag-utos sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na magpakita ng mga larawan o mga painting ng mga bayani kaysa sa mga inihalal na opisyal.
Dinepensahan ni Harry Roque Jr. si Pangulong Duterte, na sinasabi na talagang kinamumuhian ng presidente ang Epal at idinagdag pa na huli na nung malaman na ang larawan ni Duterte ay inilagay sa OFW ID. Ipinagtanggol din ni Secretary Silvestre Bello III ang pangulo.
“I just want to underscore the concern of the President for the welfare of our workers," sabi ni Sec. Bello, at idinagdag na mahigit 100,000 OFW ID cards ang handa para sa pamamahagi ngunit para lamang sa mga bumabalik na OFW o Balik Manggagawa (BM) lamang. Samantala, ang OFW ID card ay maaaring ma-avail nang libre sa pamamagitan ng paglikha ng isang account sa iDOLE.ph

No comments:
Post a Comment