Pinababasura at pinalagan ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang martial law extension sa Mindanao.
Ito ay matapos irekomenda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang batas militar sa Mindanao dahil hindi pa natatapos ang gulo sa rehiyon.
Ayon kay Zarate, wala umanong mabigat na dahilan upang i-extend ang martial law sa Marawi City bagkus magiging ugat lamang ito upang mas lalo pang dadami ang kaso ng human rights violations.
Nagbabala rin si Zarate sa posibilidad na ang extended martial law ay gamiting smokescreen para Marawi Rehabilitation Projects ay hindi na idaan sa public bidding.
Delikado aniya ito dahil tiyak na mauuwi sa korapsyon ang bilyon-bilyong pisong ipapalabas para dapat sa rehabilitasyon ng Marawi.


No comments:
Post a Comment