KIKO PANGILINAN to all Netizens- Mali ang ginawa ni Cherish at dapat siyang humingi ng kapatawaran, ngunit kung nagawa pa nating laitin at takutin siya, ano ang pinagkaiba natin sa kanya? - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Tuesday, December 19, 2017

KIKO PANGILINAN to all Netizens- Mali ang ginawa ni Cherish at dapat siyang humingi ng kapatawaran, ngunit kung nagawa pa nating laitin at takutin siya, ano ang pinagkaiba natin sa kanya?

Si Kiko Pangilinan ay may mensahe din para sa mga bashers ni Cherish Sharmaine Interior. Sinabi niya sa kanyang FB post na alam niyang hindi tama ang ginawa ng babae sa Taxi Dirver ngunit dahil daw sa ibang netizen na nagawa pang takutin, magbanta at manginsulto kay Ms Interior ay parang wala na daw tayong pinagkaiba sa ginawa ng babae.

Narito ang Kabuuan ng kanyang post:

"Hindi tama ang ginawa ni Cherish Sharmaine na dala ng galit sa aksidente sa kalye ay sinaktan niya ang isang matandang taxi driver ngunit hindi rin tama na sa galit ng mga nakapanood nung video sa social media ay minumura, iniinsulto, binabantaan na saktan si Cherish at nilalait ang pagkatao niya ng mga tao sa internet.

We cannot defeat the wicked with wickedness nor the cruel with greater cruelty because in the end only wickedness and cruelty triumph.

Mali ang ginawa ni Cherish at dapat siyang humingi ng kapatawaran at managot dahil siya ay nagkasala. Subalit sa tindi ng galit natin sa ginawa ni Cherish nagawa ng ilan sa atin na manakot, manlait, magbanta, mang insulto at manakit ng kapwa. Ano ang pinagkaiba natin kay Cherish?"




Well anong masasabi niyo??


No comments:

Post a Comment