OFW ID Card, BINATIKOS ng mga DILAWAN! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Friday, December 15, 2017

OFW ID Card, BINATIKOS ng mga DILAWAN!




Hindi pinansin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga kritisismong natanggap ng bagong Overseas Filipino Workers (OFW) ID kung saan makikita ang mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte.



Ayon sa kalihim, pabor pa nga ang mga OFW sa proyekto at nagpapasalamat pa ang mga ito.

Iginiit ng kalihim na nakikisakay lamang ang mga may negatibong reaksyon at gusto lamang sirain ang naturang proyekto.



Dahil dito, mananatili ang disenyo ng OFW IDs dahil ayon kay Bello ay puro positibo naman ang tugon ng mga manggagawa sa labas ng bansa ukol dito.

Nauna nang sinabi ng kagawaran na bukas naman silang i-redesign ang naturang ID ngunit sa ngayon ay oobserbahan muna nila ang reaksyon ng mga OFW at ang proseso ng paggawa at pamamahagi ng mga ito.

Iginiit pa ng kalihim na ang larawan ng pangulo na nakaharap sa larawan ng may-ari ng ID ay pagkilala ng pangulo sa pagiging bayani ng bawat OFW.

No comments:

Post a Comment