Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Vice President Leni Robredo ang kauna-unahang Vice President sa Philippine History na hindi inimbitahan sa tradisyonal na Christmas Party sa Malacañang na gagawin sa December 23.
Ang palasyo ang nagdadaos ng kanilang Christmas party na nakasanayan ng ginagawa kada taon at magdadaos ng nga ika 100 year old traditon kung saan dinadaluhan ng bawat Presidente at Bise- Presidente at ng lahat ng mga nagtatrabaho sa palasyo.
Pahayag ni Roque, inutos daw ni Duterte na wag nang imbitahan si Robredo matapos sa 80% na palace employees na mas piniling wag na lang siyan imbitahan pa.
Dagdag pa niya hindi daw desisyun talaga ng Pangulo na wag nang imbitahan pa ang VP kundi desisyun ng nakararami at sinunod lang daw ito nang pangulo.
At dahil may sariling Christmas Party din daw ang pangulo sa mga Senador, ipinahayag din ni Roque na hindi rin imbitado ang mga senador at exclusive lang daw ito para sa Palace employees kasama ang kani-kanilang mga pamilya.
Sa mga Cabinet members naman ay tanging sina Roque, PNP, AFP, Andanar at ang DND chiefs lang ang imbitado.
Ani pa ni Roque, ang mga employees ng palasyo ay galit pa din sa Vice President kaugnay sa kanyang UN video kung saan kumalat sa buong mundo.
Pero sa ngayon ay wala pa ring pahayag mula sa kampo ni Robredo na ukol sa balitang ito.

No comments:
Post a Comment