Kaugnay sa kontrobersiyang photoshoot umano ng 17 years old na apo ni Duterte para sa kanyang pre debut ay nagsalita na rin ang pangulo sa isyu. Dinipensahan niya ang kanyang apo na si Isabelle na nag photoshoot sa Malacañang kamakailan lang.
Sa nakraang pagdiriwang ng ika-39 na kaarawan ni Senador Manny Pacquiao, sinabi ng Pangulo na ang paggawa ng isyu tungkol saginawang photoshoot ng kaniyang apo na si Isabelle ay maituturing na isang napakaliit na bagay.
"Ano ba naman yan? Kadugo ko yan eh. Small matter, gamitin lang yung Malcanang", saad ni Duterte.
"Wala naman ako doon. But even if I was there, itong grandaughter ko magpa-picture, lahat ng mga bisita pumupunta jan, nagpapapicture eh", dagdag pa niya.
Si Isabelle ay apo ni Duterte sa anak nitong si Vice Mayor Paulo Duterte at dating asawa nitong si Lovelie Sangkola Sumera.
Matatandaan na kamakailan lang kumalat sa Social Media ang larawan ni Isabelle sa ilang parte ng Malcañang suot ang ilang magagarabong gown bilang bahagi ng kanyang pre- debut photoshoot.
Nakatanggap naman ito ng sari- saring reaksyon mula sa publiko at dahil sa mga nakuha nitong mga batikos ay di na rin napigilan ni Isabelle magsalita kaugnay sa isyu.
"I hope you do something useful with the freedom you are given, other than making hateful comments and carry so much unecessary weight on your shoulders. I hope you will find the maturity to focus on more alerting issues and not on an 17 year old girl. Try to be useful.", ani ni Isabelle sa kanyang Twitter post.
Monday, December 18, 2017
New
PRESIDENT DUTERTE! Nagsalita na kaugnay sa isyu ng PHOTSHOOT ng kanyang Apo sa Malacañang na si ISABELLE DUTERTE!
About Lexuzxxs
SoraTemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design. The main mission of SoraTemplates is to provide the best quality blogger templates.
Latest News Update
Labels:
DUTERTE NEWS,
ISABELLE DUTERTE,
Latest News Update
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment