Tiniyak ng Sanofi Pasteur sa Senado na ang dengue vaccine na Dengvaxia ay ligtas sa kabila ng mga usaping ito ay nakakasama sa isang indibidwal na hindi pa nagkakaroon ng Dengue.
"We at Sanofi
assure Filipinos that Dengvaxia continues to be a safe and efficacious vaccine."
Wika ni Thomas Triomphe habang sinasabi na ang bakuna ay ang produkto ng masusi
nilang pagsisiyasat sa loob ng dalawampung taon.
Sinabi ni Triomphe na
may mataas na ethics standard at compliance ang Sanofi at sinabing wala siyang
nakikitang kapabayaan na nagawa ng kompanya.
Wika ni Triomphe, ang
bakuna ay mag-eexpire sa loob ng tatlong taon. At sa Pilipinas, ito ay
mag-eexpire sa pagitan ng May at August 2018 depende sa batch nito.
Samantala, matatandaang
ibinakuna ang Dengvaxia sa mahigit 800,000 na mga Pilipino bilang parte ng
programa ng administrasyon ni President Benigno Aquino III.


No comments:
Post a Comment