Matapos sumuko ang 573 na rebelde sa pamahalaan, ngayon ay sumuko naman ang umano'y bomb expert na miyembro ng CPP-NPA sa lalawigan ng Compostella Valley.
Ayon sa ulat na inilabas ng 71st Infantry Batallion ng Philippine Army, sumuko sa kanilang kampo ang rebelde na si Jomar Madalo Antolin, Alias Ka Raffy, na miyembro ng NPA-Southern Mindanao Regional Committee.
Sa imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP)ay napag-alamang si Antolin ang Vice Commander ng Milisyang Bayan Cluster Command na nag-ooperate sa Maco, Compostella Valley.
Sinabi rin ni Antolin na ang kanilang grupo ang nasa likod ng ilang kaso ng pagpatay at pananambang sa lugar.
Sangkot rin umano ang kanilang grupo sa pangingikil ng revolutionary tax samantalang siya naman ang taga-gawa ng mga ginagamit na pampasabog tulad ng improvised explosive device at controlled landmines.
Nagpasya umano siyang sumuko dahil na rin sa hirap ng buhay sa kanilang kampo.
Source


No comments:
Post a Comment