Nanawagan ang presidente ng Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Romulo Valles sa mga awtoridad na sundin ang proper guidelines sa pagbabalik ng kontrobersyal na Oplan Tokhang.
Ngayong Lunes na ibabalik ang naturang anti-drug operation na ginawan na ng mas mahigpit na panuntunan upang maiwasan ang pagdanak ng dugo.
Ilan sa mga bagong guidelines ay ang pagsusuot ng body cameras ng mga pulis at pagsasagawa lamang ng Tokhang tuwing alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon kada araw maliban sa weekends.
Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, nawa ay sumunod sa tamang panuntunan ang mga pulisya sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Nanawagan din ang pangulo ng CBCP sa mga mamamayan na ipanalangin ang pulisya at mahimok na gawin ang tamang proseso sa pag-aresto ng mga taong pinaniniwalang lumabag sa batas.
Source
Source
No comments:
Post a Comment