Naniniwala
si dating Pangulong Noynoy Aquino na nalalapit na ang muling paghahari ng partido nitong Liberal Party.
Sa 72nd founding anniversary ng LP noong Biyernes, inanunsyo ng dating pangulo na kahit na matagal-tagal na rin silang nabugbog ng mga kontrobersiya mula sa kanilang mga detractors, nakikita nyang malapit nang bumangon ang partido sa tulong ng kanilang mga taga-suporta.
Via planetphilippines.com
|
“Maski na matagal-tagal na tayong binubugbog, mukhang malapit na ho tayong buumangon at pabugbog muna. Mas maliwanag ‘yung bukas dahil nandito kayong lahat,” wika ni Pnoy.
Via conceptnewscentral.com
|
Hindi
rin naiwasan ni Vice President Leni Robredo na magpatutsada na siyang present din sa
pagdiriwang ng anniversary.
Ayon kay Robredo, maraming nagsasabing pinipilit na baliin ng kadiliman ang
kanilang partido kaya't nananawagan sya sa lahat na huwag mawalan ng
pag-asa.
“Maraming
nagsasabi na saan ba tayo patutungo? Marami ‘yung nagsasabi binabali tayo ng
kadiliman pero sana po huwag tayong mawalan ng pagasa,” sabi ni Robredo.
Via modernfilipina.ph
|
Inanunsyo
naman ni Ifugao Representative Teddy Baguilat Jr. na sabay-sabay nanumpa ang
500 bagong mga miyembro ng LP noong Biyernes ng gabi sa magkakasabay na
selebrasyon sa Maynila, Cebu, at Naga.
Via Philstar.com
|
SOURCE: BRIGADA NEWS
Anong masasabi niyo sa isyung ito?
Magbigay ng iyong komento.
No comments:
Post a Comment