Magiging
mas maingat na ngayon ang Philippine National Police sa paglulunsad ng mga
anti-drug operations sa bansa.
Pinaalalahanan
naman ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang kanyang mga
tauhan na irespeto ang human rights at gawing “less bloody” ang kampanya kontra
sa iligal na droga.
Sa
kanyang pagsasalita sa flag raising ceremony sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa
na malinaw ang naging atas ng pangulo na ituloy ang kampanya kontra droga pero
dapat samahan ito ng mataas na pagkilala sa karapatang pantao ng bawat isa.
Muli
ring binalaan ng opisyal ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga na tuloy
ang kanyang gagawing pagtugis sa mga ito.
Ayon
kay Dela Rosa, ang war on drugs at gagamitin rin kontra sa mga police scalawags
na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa kanilang hanay.
Dumalo
rin sa ginanap na New Year’s Call ang mga asawa ng mga PNP officials na isang
taunang event sa Camp Crame.
Kaugnay
nito, nilinaw naman ng Philippine Drug Enforcement Agency na pangungunahan pa
rin nila ang kampanya sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa at magiging
alalay lamang ang PNP maging ang AFP at iba pang ahensiya sa mga inilulunsad
na operasyon.


No comments:
Post a Comment