Pinag-aaralan
na ng grupo ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano ang panibagong
paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon
kay Alejano, ang kanilang magiging batayan sa paghahain nito ay ang labis na
pagpapabaya ni Pangulong Duterte hinggil sa usapin ng West Philippine Sea.
Giit
ni Alejano, maituturing na isang “treason” ang kawalan ng aksyon dito ng
Pangulo kahit tila may banta na ng pananakop ng China sa naturang isla.
Magugunitang
noong nakaraang taon ay nabasura ang inihaing impeachment
complaint ni Alejano laban sa Pangulo kaugnay sa serye ng patayan sa
gitna ng kampanya kontra iligal na droga at sa mga umano’y hindi deklaradong
yaman ng Pangulo.
![]() |
Photo Via smni news channel
|
Samantala,
minaliit lang ng Malacañang ang plano ng grupo ni Magdalo Party-list
Representative Gary Alejano na magsampa ng impeachment complaint laban kay
Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isyu ng West Philippine Sea.
Samakatuwid, ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala siyang nakikitang legal na
basehan sa reklamo ni Alejano.
Inalala
pa ni Roque ang noo’y pagkakabasura ng impeachment complaint na inihain din ng
kongresista.
![]() |
Presidential Photos
|
Gayunman
sinabi ni Roque na karapatan ito ni Alejano kahit ilang beses pa niya
ipa-impeach ang Pangulo.
Ngunit
payo ni Roque dapat ang hinahabol ni Alejano ay ang mga kakampi nito nuong
nakalipas na administrasyon na walang ginawa habang itinatayo ang mga
artificial islands sa naturang teritoryo.



No comments:
Post a Comment