Ipinag-utos
umano ni Pangulong Duterte ang imbestigasyon ukol sa sinasabing "unjust
termination of casual employees" ng PhilHealth, gayundin ang mga higit sa
normal na biyahe ng Interim President nito na si Celestina Ma. Jude dela Serna.
![]() |
Photo Via abs cbn news
|
Matatandaang
naging maugong ang balita ukol sa pagkuwestiyon ng Commission on Audit sa
umano'y sobra-sobrang paggasta ni Dela Cerna sa kanyang mga biyahe mula Bohol
papuntang Maynila, na umano'y umabot sa halagang P627,293.04. Ayon pa sa COA,
nilabag daw ni Dela Cerna ang mga gabay sa "Austerity Measures
Implementation", na nagbabawal sa madalas at labis na local travels,
maliban na lamang kung ito'y "urgent" at talagang kinakakailangan,
upang lalong maging epektibo sa kasalukuyang work assignments.
![]() |
Photo Via cnnphilippines.com
|
Bukod
pa rito, inaakusahan din umano si Dela Cerna nang ilegal na pagapapatalsik sa
may 17 casual employees, at pagbawas ng halagang P2,200 mula sa 2017 collective
negotiation agreement incentive ng rank-and-file na mga empleyado ng
PhilHealth.
![]() |
Presidential Photos
|
Ayon
pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batid niya umano na iimbestigahan
din ni Pangulong Duterte ang nasabing isyu dahil prayoridad umano ng pangulo na
makapagkaloob ng "universal health care" para sa lahat. Hindi raw ito
magkakaroon ng katuparan kung hindi malilinis ang hanay ng nasabing ahensiya.
SOURCE
SOURCE




No comments:
Post a Comment