Hontiveros: "President Duterte’s arrest-all-tambays order is unconstitutional. Hanging out is not a crime" - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, June 21, 2018

Hontiveros: "President Duterte’s arrest-all-tambays order is unconstitutional. Hanging out is not a crime"




Kung inaaresto ang mga tambay sa lansangan, paano naman ang mga tambay sa Scarborough Shoal?

Ito ang naging kwestiyon ni Senator Risa Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte na nag-utos na dakpin ang mga tambay sa lansangan na diumano'y  gumagawa ng mga krimen.




Matapang na pinuna ng Senadora ang Pangulo sa mga mahihirap na napapatay sa war on drugs at sa mga hinuhuling mga "tambay" ngayon ngunit wala naman umanong ginagawang masama.

Kung inaaresto ang mga tambay sa lansangan, paano naman ang mga tambay sa Scarborough Shoal?




“Yan ang mahirap kay Pangulong Duterte eh. Matapang lang siya sa mga mahihirap, walang trabaho at walang kalaban-laban na mga tambay, pero tiklop naman sa China na nasa Panatag Shoal na forever na yatang tumambay,” ani Hontiveros.




Binigyang-diin din ng Senadora na hindi kriminal ang lahat ng tambay at pinagdiinang walang batayang legal ang panghuhuli sa mga ito dahil hindi na daw krimen ang pagtatambay ngayon.




“Hanging out is not a crime. As a lawyer, he should know that his order has no legal basis. The vagrancy law has been repealed. President Duterte’s arrest-all-tambays order is unconstitutional,” diin ng senadora.




Dagdag pa nito, dapat intindihin ng Pangulo na ang mga tambay phenomenon ay bunsod ng kahirapan, kawalan ng job opportunities at kawalan ng edukasyon.

Ito rin ang kultura ng mga Filipino para makisalamuha, makipagkuwentuhan sa mga sari-sari-store at mga tambayan sa barangay na wala naman umanong kaibahan sa pagtambay sa mga coffee shop o mall.

“Or is the government discriminating against the poor?” tanong ni Hontiveros.



No comments:

Post a Comment