Ang mga kapulisan sa San Fernando, Camarines Sur ay nagimbala sa pagkadawit ng isang pari dahil sa pagkamatay ng isang 28-years-old na dalaga, kung saan natagpuan ang kanyang labi sa Barangay Buenavista matapos itapon noong nakaraang Linggo.
Ayon sa Archdiocese of Caceres ang mga opisyales ng simbahang Katoliko ay nagulat at nalungkot dahil sa karumaldumal na pagkamatay ng dalaga.
"We are deeply troubled that, in media reports, a priest has been alluded to as a person of interest," it said, without naming the priest.
Dagdag nila sila ay seryoso sa balitang ito. Ang archdiocese ay susuporta at makikipagtulungan sa pag iimbestiga sa kasong ito mula sa awtoridad". Sabi sa pahayag na pinirmahan ni Fr. Darius Romualdo, Chancellor ng archdiocese.
Ang archdiocese ay nangako na sila ay magsasagwa ng sarili nilang imbestigasyon at magsasagawa ng aksyon na angkop o naayon sa Code of Canon Law.
May mga suspek na ang mga pulis sa mga taong may kinalaman sa pagkamatay ng dalaga subalit mahigpit sila sa pagbibigay ng karadagang impormasyon tungkol sa mga taong may kinalaman sa nasabing insidente.
"Kapag sapat na ang ibedensya, isasagawa na nila ang operasyon sabi ni Venerando Ramirez, ayon sa tagapagsalita ng Camarines Sur provincial police.
Sa side naman ng babaeng, ang nais lamang ng kaniyang ina ay ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito lalo na at may na-ulila itong limang buwan na sanggol at lalake pa.
Nangako naman ang archdiocese na sisiguraduhin nilang susuportahan nila ang pagbibigay hustisya sa pagkamatay ng dalaga.
No comments:
Post a Comment