Bilang isang "public servant" o taong nag tatrabaho sa gobyerno, importanteng malaman mo na isa sa mga responsibilidand mo ay ang maging isang mabuting huwaran sa mga taong sinisilbihan mo. Pero sa mga panahon tulad ngayon tila baliktad na ata ang nangyayari, bakit parang ang taong bayan pa ang kailangang mag adjust para sa kanila. Tulad lamang ng pangyayaring ito sa BRIGADA ESKWELANG naganap sa VIRGEN DELAS FLORES.
BASAHIN ANG POST NG GURO SA IBABA:
Panawagan sa bagong pamunuan ng SK NG VDF. (Sana’y mabigyang pansin)
Kaninang tanghali, mukhang nagkamali ata ako ng kinausap habang nakaupo sa talaan ng panauhin sa pagbubukas ng brigada eskwela. Nakakahiya naman. Madami akong gustong itanong sa kanya ng mga panahong ‘yon. Gaya ng kasingdami ng napatunayan nya sa lipunan bilang SK KAGAWAD. Ako kasi wala, dahil TEACHER LANG NAMAN AKO.
Hijo, pasensa na kung napapirma kita sa mga talaan ng panauhin at mukhang napakalaking pagkaapak sa pagkatao mo yun. Ang nakakatawa pa dyan, ikaw pa ang nakatoka sa larangan ng EDUKASYON bilang SK KAGAWAD. Pero bago ka magsalita na guro lang ako at SK ka, sana naman malaki ang silbi mo sa lipunan. O kahit hindi nalang sa pamayanang kinabibilangan mo, kahit sa pamilya mo nalang.
Ako kasi, ilang taong nagpakadalubhasa sa larangan, lisensyado at nagsilbi sa bayan. Ikaw? Mukhang marami nang napatunayan sa barangay nyo sa LIGA, at nanalong walang kalaban. Salamat sa dami ng ambag mo VIRGEN DELA FLORES.”
Totoo nga na walang perpekto sa mundong ito pero hindi ibig sabihin na ito nalamang ang pa ulit ulit nating dahilan sa bawat oras na tayo ay nagkakamali. Lalo na at nasa tamang edad ka na para malaman kung ano ang tama sa mali.
No comments:
Post a Comment