TRENDING!! DEVON SERON SA KOREA, PARA SA BAGONG PELIKULA! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Saturday, June 24, 2017

TRENDING!! DEVON SERON SA KOREA, PARA SA BAGONG PELIKULA!

Gaganap bilang si Kim Soriano ang dating PBB housemate na si Devon Seron para sa isang movie na “You with Me”. Si Kim Soriano ay isang mayamang Pilipina’ng nag migrate sa Korea para takasan ang kanyang mga magulang (matatapang at mahigpit). Samantala, si Devon ay ipapareha sa mga sikat na matinee idols ng Korea na sina Kim Hyun-woo na gaganap bilang si Jason at Jin Ju-hyong bilang si Rintaro (Jason’s assistant) na magiging karibal naman ni Jason kay Kim.

Ani Seron sa kanyang Instagram post, ay hindi nito hiningi sa Diyos ang mga nangyayari sa kanya ngayon dahil kusa lamang itong  dumating at ibinigay sa kanya. “Sometimes I question or doubt whenever I see myself in an extremely difficult situation. I wonder why I am there.” Ngunit sa panghuling post nito ay sinabi din ni Devon na malaki ang pasasalamat nito sa Maykapal. “God really works wonders. All these I give back to Him. God is just so good and amazing.” At humingi ito ng dasal para sa buong team ng YWM. Kasalukuyan ngayong sinoshoot ang naturang movie sa Korea.

Bago pa man ang kanyang pinakamalaking break sa big screen, si Seron ay gumanap din sa mga flicks tulad ng “Can’t Help Falling in Love”,  “The Reunion”, at marami pang iba. Ang “You with Me,”  sa direksyon ni Rommel Ricafort, ay ipapalabas sa mga pangunahing sinehan ng Pilipinas ngayong Septiyembre 27.

Mga larawan mula sa Instagram page ni Devon

No comments:

Post a Comment