DUTERTE, PINAALALAHANAN ANG PSG SA DAPAT GAWIN KUNG SIYA'Y MAMAMATAY!
Pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na dapat sundin ang konstitusyon na nagsasaad na ang bise-presidente ang karapat-dapat na pumalit sakanyang posisyon kung sakaling siya ay mamamatay sa gitna ng kanyang termino.
Sa kanyang mensahe sa ika-120 anibersaryo ng pagdiriwang ng Presidential Security Group (PSG), inihayag ng Pangulo na may malaking problema kung siya man ay mamamatay bukas, sa susunod taon o sa susunod na buwan dahil mayroong dalawang claimants sa pagkapangulo. Aniya, si Pamatong, ang kanyang sunuspindeng abogado, ay nakapag-organisa at nagdeklarang nag take-over na habang nariyan si bise presidente Leny na otomatikong papalit sakanya.
Muli namang tiniyak ng Pangulo na maayos ang kanyang kalusugan sa gitna ng taliwas na balitang na-comatose daw siya. Aniya, hindi siya na-comatose dahil kung wala siya sa harap ng publiko ay nasa kama lang siya.
Samantala, sa kabila ng hindi pag-uusap ng halos tatlong buwan ay pinatunayan ni Robredo na siya at si Pangulong Duterte ay nagpapanatili ng isang mahusay na pakikipag-ugnayan sa isa't isa.
Problem with Sleeping? Digestion? Alertness? Check out this Revolutionary Total Body Supplement that is taking the market by storm. This is the REAL DEAL in ensuring yourserlf with a healthy body and mind!
No comments:
Post a Comment