Nakumpiska ang nasa P250 milyong halaga ng shabu sa isang bahay na pinagkutaan umano ng Maute sa Marawi City. Paniwala ng mga awtoridad, gumagamit ng droga ang mga terorista para hindi umano manghina sa tuwing may nagaganap na labanan.
Isang buwan mula nang pumutok ang gulo sa Marawi City, ayaw pa ring umatras o sumuko ng mga Maute group sa pakikipagsagupa sa mga tropa ng gobyerno. Bukod sa snipers, gumagamit na rin ngayon ang mga terorista ng land mines o mga pasabog na nakaplanta sa lupa.
Nuong Hunyo 18, tatlong sundalo pa ang dumagdag sa bilang ng mga nasawi sa bakbakan.
May dalawang sundalo naman mula sa Philippine Marines 5th Battalion ang namatay matapos paulanan ng bala ng mga kalaban habang sinusubukan ng mga sundalong madistrongka ang mga bomba sa land mine. Bunsod ng pamamaril, sumabog din ang land mine. Nagtamo ng mga tama ng shrapnel at bala ang dalawang sundalo.
Para sa kabuuan ng balita, panuorin ang video.
Para sa kabuuan ng balita, panuorin ang video.

No comments:
Post a Comment