TRENDING NEWS: PANGULONG DUTERTE, MAY KARAMDAMAN! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Tuesday, June 20, 2017

TRENDING NEWS: PANGULONG DUTERTE, MAY KARAMDAMAN!

Matapos nagpakita muli sa publiko ang Pangulo noong Sabado sa isang maikling pakikipanayam sa mga sundalo sa Cabadbaran, Agusan del Norte, at Butuan City, ay mukhang muli na namang hindi mahagilap ang tatay ng bayan.

Ayon sa mga sources, wala umanong itinakdang opisyal na appointment para sa Pangulo ngayon ngunit hindi ito nakita sa publiko kahapon.

Matatandaang iginugol ng Pangulo ang kanyang oras sa kanyang pamilya noong nakaraang Linggo- Araw ng mga Ama. Ito ay pribadong oras para sa Pangulo. Nagpasya rin siya na manatili sa Davao City, taliwas sa nakasanayang ginagawa ng Pangulo upang simulan ang kanyang mga gawain sa buong linggo sa MalacaƱang.

“People should get used to it when I am not seen in public. I am just around doing something", ani Pangulong Duterte. Dagdag pa ng Pangulo na  maaari pa rin siyang magtrabaho kahit na sa sariling lugar (Davao City) lamang ito. Ani Duterte, walang mali na kumuha ng pribadong oras. Na dapat siyang magpahinga at kailangan niya ring matulog matapos ang isang napakahirap na iskedyul sa nakaraang ilang buwan.

Hinihiling ng mga pulitiko, lalo na ang kanyang mga kritiko,  na ipahayag ng Pangulo sa publiko ang kanyang kalagayan sa kalusugan at dapat din siyang magbigay ng isang pang-araw-araw na talaan sa kanyang kondisyon.

Tinitiyak niya na hindi magkakaroon ng problema ang bansa kung siya ay magkakasakit o kung anu man ang maaaring mangyari s kanya, dahil ang Konstitusyon ay nagbibigay ng isang malinaw na "Order of Succession" sa bansa.


No comments:

Post a Comment