Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, ay naglaan pa rin ng oras ang Bise Presidente Leni Robredo upang tulungan ang kanyang anak na si Aika, sa paglilinis sa bagong tahanan nito sa Estados Unidos, kung saan siya ay mananatili ng isang taon upang kumuha ng kanyang advanced studies.
Dati na ring nanirahan sa Boston ang buong mag-anak ng pangalawang pangulo noong dekada '90 noong buhay pa ang namayapang asawa ni Madam Leni na si Jess Robredo na noo'y nag aaral din sa Harvard. Nagkaroon din ng isang potluck dinner si Robredo kasama ang mga Pilipino sa Harvard bago lumipad pabalik ng Maynila.
![]() |
| Kuha mula sa Facebook page ng pangalawang pangulo kasama ang anak na si Aika. |

No comments:
Post a Comment