Arestado ang isang nagpakilalang Pastor na si Ramon Basco, 65 taong gulang at isang tomboy na si Jasmine Juston, 21 taong gulang matapos dak'pin ang isang 16-taong gulang na dalagita sa Brgy. Mampang, Zamboanga noong Lunes.
Ayon kay Supt. Nonito Asdai, sa kulungan ang bagsak ng dalawa matapos nilang kunin ang isang dalagitang natutulog na umano'y karelasyon ng tomboy.
via abs-cbn
Ayon naman sa nakakita na si Renz Figueroa, sapilitan umanong dinampot ang natutulog na dalaga mula kwarto at saka ipinasok ito sa isang sasakyan. Dito na niya umano agad tinawagan ang nanay ng biktima na siya nang humingi ng tulong sa mga pulis.
Agad nabawi ng mga pulis ang biktima mula sa bahay ng Pastor sa Brgy. Tetuan. Agad ring itinanggi ni Basco na sapilitang pinasama ang dalagita. Aniya, tinulungan lamang niya ang humihingi ng tulong na si Juston upang kumbinsihin ang karelasyon na makipag-ayos matapos ang naganap na pag-aaway.
via abs-cbn
Sa pahayag ng biktima, gusto na raw niyang tapusin ang dalawang taong relasyon nila ng nobiyang si Jasmine Juston.
Si Ramon Basco ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition matapos matagpuan ang isang revolver sa kanyang bahay bukod sa pwersahang pagkuha sa biktima. Tumanggi naman ang Pastor na aminin na pagmamay-ari nga niya ang baril.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong abduction at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004.
No comments:
Post a Comment