Itinilaga na ni Pangulong Duterte si Chief Espenido sa Iloilo para sugpuin ang droga roon. Sinabi rin ni Pangulong Duterte na ayaw nitong magkaroon ng homicide or murder sa mga gagawing operasyon.
Ipinaalala ng pangulo kay Espenido na dapat sa bawat gagawing operasyon nito ay susunod sila sa mga patakaran at batas ayon sa nakasaad sa konstitusyon. Ngunit, sinabi rin ni Duterte na ayaw nitong may mamatay na pulis kung kailangang gawin ang nararapat na gawin upang walang mamatay ay gawin umano ang nararapat.
"I hate to see dead policemen and soldiers performing their duties" , ani Duterte.
Si Espenido ang nanguna sa operasyon sa Albuera, Leyte kung saan nasawi si Albuera Mayor Ronaldo Espinosa, maging sa Ozamis City, Mayor Reynaldo Parojinog Sr. na parehas na nasawi.
"Ngayon gusto mo sa Iloilo kasi si Mabilog (Mayor ng Iloilo) had been identified as a protector Mayor, mabuhi kaha siya (Mabubuhay kaya siya)? Gusto ko ng tanungin kasi ako naman ang pagbibintangan. Ikaw nga ang nagbaril dyan pero ako ang napa publish kong saan- saan eh. Pero if you do the country a favor, I will support you." dagdag pa ni Duterte.
Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang balita.

No comments:
Post a Comment