Nagtungo sa Malacañang ang mag asawang Saldy at Lorenza Delos Santos, mga magulang ng batang napaslang na si Kian Loyd Delos Santos upang makipag usap kay Pangulong Rodrigo Duterte upang pag usapan ang pagkamatay ng kanilang anak dahil sa nangyari g operasyon kontra droga sa Caloocan City. Kasama sa pulong sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Public Attorney's Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Dante Jeminez.
Ayon sa impormasyon, naganap ang pag uusap sa Malago Clubhouse sa Malacañang base at ang kahilingan ng mag asawang Delos santos kay Pangulong Duterte na walang media ang papayagan niya na mag interview sa kanila ayon sa pakikipag usap nila sa pangulo. Sa panayam kay Aguirre binanggit niya na tumagal ng halos dalawang oras ang pakikipag usap ng pangulo sa magulang ng napaslang na si Kian at naipahayag din sa pangulo ang pangangailangan ng mga magulang ni Kian kasama na nito ang ligtas nitong matitirhan at magkaroon ng kunti nitong pagkakakitaan o negosyo.
Ipinahayag din ng mag asawa na di sila umano nagalit o nagtampo sa pangulo dahil sa hindi nito pag punta sa burol ng kanilang anak na si Kian. Nito lang Sabado nailibing ang kanilang anak na si Kian sa La Loma Cementery sa Caloocan City. Sinabi rin ng Pangulo sa mag asawa na titiyakin niya na walang makikialam sa kaso ng kanilang anak, at mananaig parin ang "DUE PROCESS" at magiging patas ang paghawak nila sa kaso ng kanilang anak na napaslang dahil sa anti-illegal drug operation.

No comments:
Post a Comment