May banat si FEU Institute of Law Dean Atty. Mel Sta. Maria sa naging pahayag ni Pangulong Duterte kung saan idiniin niya ang 1987 Constitution na problema kung bakit hindi napapanagot ang mga tiwali sa pwesto.
Ayon kay Atty. Sta. Maria, hindi ang saligang batas ang problema kundi ang mga taong hindi rumerespeto dito.
“It is not the Constitution which is the problem. The problem lies in the people who do not respect the constitution, twist its significance, disregard its mandate and destroy its essence,” ani Sta. Maria.
Dagdag pa ni Atty. Mel, ang mga pinakadelikadong tao ay yaong mga nagmamarunong pagdating sa saligang batas subalit isinasantabi ito para sa kanilang pansariling kapakanan.
“The most dangerous people are those who claim to know the Constitution but, in truth, set it aside for their own personal, warped, and selfish notion of justice and due process,” ani Sta. Maria.
Sa talumpati ni Duterte, idiniin nito na ang kasalukuyang saligang batas ang sanhi ng hindi matapos-tapos na katiwalian sa bansa.
“Corruption is a very virulent thing that’s almost hard to stop because ang ating Constitution was really crafted to allow accountability to escape most of the time,” ani Duterte.
Nais ngayon ni Duterte na gumawa ng bagong konstitusyon upang matapos ang katiwalian. Sabay nangako na magbibitiw sa pwesto sa oras na maaprubahan ang bagong saligang batas.
“We craft a new constitution… Pati ako sasali, I will place my input there… It’s a dream but pagkatapos niyan, and when it is really a Constitution that would suit our way of life and correct the evil things there, I will tender my resignation. ‘Yan ang deal ko sa opposition, pati lahat tayo,” ani Duterte.
No comments:
Post a Comment